TALAMAK na naman ang non-appearance sa emission testing ng mga sasakyan na ipinarerehistro sa Land Transportation Office (LTO).
Ayon sa Coalition of Clean Air Advocates (CCAA), noong isang taon lamang ay halos mawala na ng tuluyan ang non-appearance sa emission testing ng nagpatupad sila ng mga “self-regulation measures” sa tulong ng mga PETC IT Providers upang kusang malinis ang kanilang industrya. Ito ay ang pagbigay parusa sa mga PETC na nakitaan ng ebidensya ng pandaraya sa emission testing at ang paglimita sa bilang ng emission test na maisasagawa ng isang PETC sa isang araw.
Ngunit ng magpalabas ang dating LTO Chief Lomibao ng isang kautusan na nagpapahintulot sa IT nito na Stradcom Corporation na mag direct connectivity sa mga PETCs, muli na namang dumami ang mauusok na sasakyan dahil sa Non-appearance operation ng mga tiwaling PETCs na pinapayagan ng sistema ng Stradcom.
Sinubukan ng kausapin at paliwanagan ng CCAA ang Stradcom sa hangarin nito na kung sana ay makisama sila sa pagsugpo ng pandaraya ng PETC.
Ito ay sa pamamagitan ng hindi pagtanggap ng mga PETCs na kasalukuyang napatawan ng parusa ng kanilang grupo at ang pagsagawa ng karagdagang hakbang para di na makapagsagawa ng Non-appearance ang mga PETC na pinakakabit nito, tulad ng ginagawa ng mga kasalukuyang PETC IT Providers.
Subalit ito ay binalewala umano ng Stradcom,sa halip ay lalo pa nilang pinaigting ang kanilang pagkabit sa mga tiwaling PETCs at hinayaan pa nila ang mga ito na magpadala ng daan daang emission tests sa isang araw kahit pa imposibleng maisagawa ito ng isang matinong PETC.
Ayon kay Herminio Buerano Jr., presidente ng CCAA, ang pagbalewala ng Stradcom sa kanilang panawagan ay isa lamang patunay na ang Stradcom ay walang pakialam sa mga layunin ng Clean Air Act at ang nais lang nito ay kumita ng milyon milyon kahit na ang polusyon sa ating bansa ay lumalala na at ang publiko ay nagkakasakit na dahil sa maruming hangin na ibinubuga ng mga sasakyan.Ayon sa pag-aaral ng World Bank, 43 katao ang namamatay araw-araw dahil sa pollution related illnesses.
Idinagdag pa ni Bernard Chang Jr, Chairman ng PETCOA, isa sa mga kasapi ng CCAA , ”It does not make sense for Stradcom not to cooperate with our efforts and advocacy to clean up the emission program ,this is a good opportunity for them to exhibit corporate/social responsibility.”
Bunsod nito ay nananawagan ang CCAA sa nanumbalik na LTO Chief Suansing na patigilin na sa lalong madaling panahon ang direct connectivity ng Stradcom dahil hindi naman talaga ito nakatulong sa pagsugpo ng pandaraya sa industriya bagkus ay nagpalala pa nito.
No comments:
Post a Comment